Ang Pagiging Una ng Pangako
Panimula: Naranasan mo na ba na ikaw ay nasa isang kalagayan na ang iyong paniniwala ay pinagdudahan ng isang tao na sa iyong akala ay tama? Sa una, ikaw ay maiinis. Pagkatapos nito, napagtanto mong ikaw pala ay nagkamali.
Pagkatapos ay tiningnan mong muli ang buong kalagayan para makasigurado ka na tama ang iyong pananaw. Ipinaalala sa akin ang tungkol dito dahil sa ating pag-aaral sa linggong ito. May tapang na sinabi sa atin ni Pablo na iniligtas si Abraham dahil sa biyaya, at hindi dahil sa gawa. Ngunit, nakipagtalo nang mahigpit ang mga kalaban ni Pablo: kung ang panukala ng kaligtasan ay sa pamamagitan lamang pananampalataya, bakit sa bandang huli ay ibinigay ang Sampung Utos? Paano ito mabibigyan ng katwiran kung ang Sampung Utos ay hindi ang pangkasalukuyang panukala ng Diyos? Pag-usapan natin kaagad ang ating pag-aaralan ito sa Biblia at tingnan natin kung sino ang tama!
- Ang Argumento tungkol sa Kontrata
- Iniwan natin noong isang lingo ang ating pag-aaral sa aklat ng Galacia nang ituro ni Pablo na ang relasyon ng katwiran sa pamamagitan ng pananampalataya ni Abraham at ng Diyos ay ibinibigay din sa atin. Magandang balita! Magpatuloy tayo sa pamamagitan ng pagbabasa ng Galacia 3:15. Anong uri ng argumento ang ginagawa ni Pablo dito? (Siya ay nakikipagtalo ayon sa batas. Ito ay nakabase ayon sa batas ng isang kontrata.)
- Sige mga Manannggol, ano ang binibigyang katwiran dito ni Pablo? (Ang mga kontrata ay ipinatutupad ayon sa nakasulat doon. Ang kontrata ni Abraham sa Diyos (kaligtasan sa pamamagitan ng pananampalataya lamang) ay may bisa at maisasakatuparang kasunduan.)
- Tama ba ang teorya ni Pablo ayon sa batas? Maaari kayang isantabi na lamang ang kontratang ito? (Sa pangkalahatan ay hindi, sapagkat hindi ito nakasalig sa batas. Kung mayroon kang matibay na kontrata sa iba maaari kang maghabla sa korte para isakatuparan ang iyong kontrata.)
- Basahin ang Galacia 3:16-18. Pansinin ang tinawag ni Pablo ngayon na tinanggap ni Abraham na “pangako.” Ang mga pangako ba ay maisasakatuparan ayon sa batas? (Malibang magbigay ka ng konsiderasyon. Ang ibig sabihin nito ay “maliban na sa iyong pangako ay makipagkalakalan ka ng isang bagay na may halaga.” Kung ipinangako mo na ibibigay mo sa akin ang iyong kotse, at nangako akong bibigyan kita ng $20,000.00 tayo ay mayroong maisasakatuparang kontrata at hindi isang hindi pwedeng isakatuparang pangako.)
- Anong konsiderasyon, kung mayroon, ang ibinigay ni Abraham sa Diyos?
- Marahil, mayroong pakikipagtalo sa paraan ng pagbibigay kahulugan ni Pablo tungkol sa ipinangako ng Diyos kay Abraham (tingnan ang Genesis 12:3) at higit sa lahat ang salitang “binhi.” Iiwan ko ang pagtatalong ito, sapagkat, inulit ito ni Pablo sa isang mas malinaw na paraan sa mga talatang 17-18. Totoo ba na ang huling kontrata ay hindi nagpapawalang-bisa sa naunang kontrata? (Oo. Kung ikaw at ako ay nagkasundo sa mga salita ng kontrata, maaari kang magsabing babaguhin ito, ngunit hindi ko kailangang sumang-ayon.)
- Ano ang argumento ni Pablo ayon sa teolohiya. (Na kung ang kontrata na “ginawa” ni Abraham at kung siya’y maniniwala ay tatanggap siya ng kaligtasan, kung ganon ay hindi puwedeng palitan ng Diyos ang kontratang ito sa huli, halimbawa na gawin itong kailangan tayong sumunod sa kautusan para maligtas.
- Iniwan natin noong isang lingo ang ating pag-aaral sa aklat ng Galacia nang ituro ni Pablo na ang relasyon ng katwiran sa pamamagitan ng pananampalataya ni Abraham at ng Diyos ay ibinibigay din sa atin. Magandang balita! Magpatuloy tayo sa pamamagitan ng pagbabasa ng Galacia 3:15. Anong uri ng argumento ang ginagawa ni Pablo dito? (Siya ay nakikipagtalo ayon sa batas. Ito ay nakabase ayon sa batas ng isang kontrata.)
- Ang Argumento Laban sa Kontrata
- Basahin ang Galacia 3:19. Basahin natin ito “nang mas malalim” at subuking suriin, ayon sa sagot ni Pablo, kung ano ang sinasabi ng kanyang mga kalaban. Ano sa akala ninyo ang argumento ng kanyang mga kalaban? (Kung ang pananampalataya ang naging kasunduan ng Diyos at ng tao, bakit kaya ibinigay pa ng Diyos ang kautusan sa susunod na panahon?)
- Mayroon bang nagagawang matibay na argumento ang mga kalaban ni Pablo? (Kaya nating maunawaan ito sa dalawang paraan. Natapos na nating pag-usapan ang isang kaalaman-kung tunay na mayroon tayong kontrata, na naiiba kaysa isa pangako lamang, kaya nating isagawa ang orihinal na kontrata laban sa Diyos. Ang ikalawa naming paraan na unawain ito ay ituring itong isang bagong batas. Sa United States, kung mayroon kayong lumang batas at isang bagong batas, at mayroong hindi pagkakasundo sa dalawa, ang bagong batas ang sinusunod.)
- Suriin naman natin ang ikalawang argumento – na ibinigay ng Diyos ang huling utos (sa Sinai) na nagbago ng naunang utos(na ibinigay kay Abraham). Gaano katiyak ang mga pinagbabatayang palagay na sinabi sa kalabang argumento?
- Basahin ang Genesis 2:2-3 at Exodo 20:8-11. Nagsimula ba ang utos tungkol sa Sabbath sa Sinai? (Hindi)
- Basahin ang Genesis 4:8, Genesis 4:10-12 at Exodo 20:13. Nagsimula ba sa Sinai at pagbabawal na pumatay? (Hindi).
- Ang mga kalaban ba ni Pablo ay may nakikita at makatotohanang suliranin sa kanilang argumento? (Oo. Kung ang ibinigay sa Sinai ay naroon na bago pa man ipinanganak si Abraham, kung ganon malaking problema ang kanyang argumento.)
- Alalahanin na maaaring mayroong hindi pagkakasundo sa pagitan ng luma at bagong utos para maging mabisa ang bagong utos. Mayroon bang paglalaban ang katwiran sa pamamagitan ng pananampalataya at ang utos na ibinigay sa Sinai?
- Kung ang sagot ninyo ay, “Oo,” paano pinatatawad ang kasalanan sa sistema ng santuwaryo?
- Kailangan bang gumawa ang mga tao para sila ay patawarin sa kanilang kasalanan?
- Nagbayad ba sila ng multa?
- Nangako ba sila na hindi sila gagawa ng kasalanan sa loob ng isang taon? (Hindi. Kailangang maghandog sila ng isang walang kasalanang tupa. Hindi ito sa pamamagitan ng “gawa.” Itinuturo nito ang kasunduan ni Abraham at tumitingin sa gagawin ni Jesus sa hinaharap para bigyan tayo ng biyaya.)
- Kung ang sagot ninyo ay, “Oo,” paano pinatatawad ang kasalanan sa sistema ng santuwaryo?
- Kung makikita natin ang mga maling ito sa mga argumento ng mga kalaban ni Pablo, mayroon ba silang makatwirang argumento? (Maaari silang nakikipag-argumento, “Bakit kaya binibigyang halaga ng Diyos ang isang utos ilang daang taon matapos na gumawa siya ng may biyayang pakikipagsundo kay Abraham?”)
- Ano ang sagot ni Pablo dito? (Galacia 3:19 – Dahil sa dami ng kasalanan [“mga pagsalangsang”]).
- Tayo ay bumalik sandali. Sa isip mo ba, gaano kadami ang alam ng mga Israelita tungkol sa Diyos matapos ang ilang daang taon nang pagkaalipin sa Ehipto? Marahil hindi masyado. Ito marahil ang dahilan kung bakit may punto ang salitang “mga pagsalangsang” sa Galacia 3:19. Hindi lamang nagkakasala ang mga tao, kundi wala din silang alam tungkol sa pamantayan ng pag-uugali. Kailangang sabihin ng Diyos sa mga tao kung ano ang itinuturing Niyang kasalanan.
- Kung ang Diyos ay nakipagkasundo kay Abraham na siya ay ililigtas sa pamamagitan ng biyaya, habang alam ni Abraham ang utos ng Diyos, ano ang masasabi nito tungkol san relasyon ng pananampalataya at kautusan? (Pinatitibay nito ang isipan na ang ating kasunduan sa Diyos ay kaligtasan sa pamamagitan ng pananampalataya, at hindi dahil sa pagsunod sa kautusan. Ngunit, mayroon pa rin itong mahalagang bagay na sinasabi tungkol sa kautusan.
- Mahalaga ba ang kautusan sa Kanya at sa atin? (Mahalaga ito. Kung ang biyaya, na hindi kaugnay sa kautusan, ang siyang kasunduan sa pagitan ni Abraham at ng Diyos, hindi na kailangan pang sabihin ng Diyos ang Sampung Utos sa mga taong walang alam sa kautusan.)
- Basahin ang Roma 3:19-20. Ano ang kaugnayan nito sa kalagayan ng bayan ng Diyos sa Sinai? (Ito ang siya nating pinag-uusapan! Ginagamit ng Diyos ang kautusan para malaman natin ang ating mga kasalanan. Paano natin malalaman ang kasalanan kung walang kautusan? Tayo ay maaaring magmayabang tungkol sa ating katwiran kung wala ang kautusan na magpapatahimik sa atin.)
- Basahin ang Romans 3:21-24. Paano tayo nagiging banal? (Sa pamamagitan ng pananampalataya kay Jesus. Sa pamamagitan ng paniniwala kay Jesus.)
- Basahin ang Romans 3:25-26. Ano ang bahagi rito ng pagliligkod sa santuwaryo sa Lumang Tipan? (Ginagamit ni Pablo ang larawan ng sistema ng paghahandog para ipaliwanag ang gawain ni Jesus. Ito ang pagkakaisa na ating makikita sa Sinai, hindi ang paglalaban na kailangan mong sabihing “Gumawa ang Diyos ng bagong utos sa Sinai na nagpawalang-bisa sa lumang kasunduan na may biyaya kay Abraham.)
- Basahin ang Galacia 3:19. Basahin natin ito “nang mas malalim” at subuking suriin, ayon sa sagot ni Pablo, kung ano ang sinasabi ng kanyang mga kalaban. Ano sa akala ninyo ang argumento ng kanyang mga kalaban? (Kung ang pananampalataya ang naging kasunduan ng Diyos at ng tao, bakit kaya ibinigay pa ng Diyos ang kautusan sa susunod na panahon?)
- Ang Tagapamagitan
- Balikan natin ang Galacia 3. Basahing muli ang huling bahagi ng Galacia 3:19 at idugtong ang Galacia 3:20. Makakatagpo tayo ng isa pang salita tungkol sa “tagapamagitan.” Ano ang isang namamagitan? (Hindi ito isang manananggol na kumakatawan sa isang panig. Sa halip, ang isang tagapamagitan ay dapat na makipag-ugnayan sa magkabilang panig para magkaroon ng kasunduan sa hindi pagkakasundo ng dalawa. Para magkasundo ang magkabilang panig sa isang solusyon.)
- Ito ang pahayag ng isang tagapamagitan at ng mga anghel na magpapahalaga sa kautusan. Kumikilos ba ang kautusan bilang isang tagapamagitan sa Diyos at sa mga tao?
- Ano ang ginawa ng kautusan para sa Diyos?
- Ano ang ginawa sa atin ng kaalaman tungkol sa kautusan? (Ang mga komentaryo tungkol kahulugan ng talatang 20. Ang karaniwang suhestiyon ay tinaguriang “tagapamagitan” si Moises. Ngunit, nakikita ko na kumikilos ang kautusan bilang tagapamagitan dahil sa dalawang mahahalagang punto para mailapit tayo sa Diyos. Una, ipinapakita sa atin ng kautusan ang pag-ibig ng Diyos. Namatay ang Diyos sa atin para tugunin ang mga kahilingan ng kautusan. Ikalawa, ang kautusan ay isang pamantayan – isang pamantayan na hindi natin kayang isakabuhayan. Inilalapit tayo ng kautusan para tanggapin ang biyayang inihahandog ni Jesus – bilang pasasalamat sa Diyos, at ang ating kawalang kakayahan sa harap ng kautusan. Ano pa ang maglalapit sa atin sa Diyos kaysa dito?
- Paano nakakaimpluwensya angkautusan sa ating isipan tungkol sa pagsunod? (Sinabi ni Jesus, “Kung ako'y inyong iniibig, ay tutuparin ninyo ang aking mga utos. Ito ay tama! Kung ating igagalang ang sakripisyo ni Jesus, makikita nating napakahalaga ng kautusan sa Diyos. Kung hindi, pawawalang-halaga ng Diyos ang kautusan at sa pagkamatay para tugunin ang mga kahilingan ng kautusan ay tutulungan tayo na tumugong may pag-ibig sa pamamagitan ng pagsasa-ayos na tayo’y mabubuhay, sa pamamagitan ng kapangyarihan ng Banal na Espiritu, isang buhay na kaaya-aya sa Diyos. Ngayon makikita natin (Galacia 3:20) kung bakit “iisa ang Diyos,” sapagkat ang Kanyang sistema ng kaligtasan ay “iisa.”
- Ito ang pahayag ng isang tagapamagitan at ng mga anghel na magpapahalaga sa kautusan. Kumikilos ba ang kautusan bilang isang tagapamagitan sa Diyos at sa mga tao?
- Kaibigan, kung hindi mo pa lubusan tinanggap ang katwiran sa pamamagitan ng pananampalataya lamang, hindi mo ba tatanggapin ito ngayon? Bakit hindi mo hilingin kay Jesus na patawarin ka sa iyong mga kasalanan, at iligtas ka sa pamamagitan ng biyaya?
- Balikan natin ang Galacia 3. Basahing muli ang huling bahagi ng Galacia 3:19 at idugtong ang Galacia 3:20. Makakatagpo tayo ng isa pang salita tungkol sa “tagapamagitan.” Ano ang isang namamagitan? (Hindi ito isang manananggol na kumakatawan sa isang panig. Sa halip, ang isang tagapamagitan ay dapat na makipag-ugnayan sa magkabilang panig para magkaroon ng kasunduan sa hindi pagkakasundo ng dalawa. Para magkasundo ang magkabilang panig sa isang solusyon.)
- Sa susunod na linggo: Ang Daan Tungo sa Pananampalataya
