Living by the Spirit

(Galatians 5:16-25)
Tagalog
Year: 
2011
Quarter: 
4
Lesson Number: 
12

 

Pasimula: Ang kalayaan ay isang matamis na bagay! Alam nating lahat na gusto nating maging malaya. Alam natin kung kalian tayo hindi malaya. Ngunit, ano ang eksaktong kahulugan ng kalayaan ? Maaaring ako ay mayroong kalayaang suntukin sa ilong ang aking kapit-bahay. Ngunit maaaring isipin niya na hindi siya malaya kung lagi siyang sinusuntok ko! Ano ang ibig sabihin ni Pablo na “tumayong matatag” sa ating kalayaan? Ating pasimulang pag-aralan ang Galacia at suriin kung ano an gating matututuhan!  

Tumayong Matatag

Basahin ang Galacia 5:1. Sino ang nagbigay sa atin ng kalayaan? (Si Jesus.)

Kung pag-iisipan mo ang may-akda ng kalayaan natin, sinasabi ba nito ang likas ng ating kalayaan? Halimbawa, bibigyan ba tayo ni Jesus ng kalayaan para saktan ang ibang tao?

Saan tayo malaya? (Sinasabi sa atin ni Pablo na ang “pasanin” ng “pamatok ng pagkaalipin” ay inalis na.) 

Basahin ang Galacia 5:2-4. Ano itong pamatok ng pagkaalipin?  (tiyakang binanggit ni Pablo ang pagtutuli, ngunit binanggit din niya “ang buong kautusan.”)

Kung ang kautusan ang larawan ng karakter ng Diyos, gaya ng palagi kong naririnig, paano ito naging pamatok  ng pagkaalipin? (iniisip ko na hindi ang kautusan o ang pagtutuli ang “pamatok,” kundi ang utos na sundin natin ang buong kautusan o mamatay ang siyang pamatok ng pagkaalipin. Ito ay pagsasagawa ng isang bagay na imposibleng magawa.  Ito ay si Sisiphus na nagtutulak ng bato pataas sa isang burol.) 

Nang sabihin ni Pablo na, “Tandaan ninyo ang aking mga salita, ano sa palagay ninyo ang sinasabi niya? (Mahalaga ito.)

Ang katwiran ba sa pamamagitan ng paggawa ay “laban kay Cristo?”(Oo. Kaya nga ang usapang ito ay mahalaga. Kung naniniwala ka na mahalaga ang iyong ginagawa para sa iyong kaligtasan, iyong itinatapon sa labas si Jesus at ipinapalit mo ang iyong mga gawa sa Kanyang lugar. Ikaw ay kalaban ni Cristo.)

Mayroon bang isang lugar na walang pinapanigan – na ako’y naniniwala sa kaligtasan sa pamamagitan ng pananampalataya ngunit naniniwala rin ako na ang mabuting gawa ay kailangan sa aking kaligtasan? (Kung iniisip natin na mawawalan tayo ng kasalanan dahil sa ating mga gawa, tayo ay “nahihiwalay” kay Jesus. Hindi natin puwedeng angkinin ang biyaya sapagkat tayo ay “nahiwalay sa biayay.”)

Pansinin Natin ang Kalayaan

Basahin ang Galacia 5:5-6. Kung iiwasan ang katwiran sa pamamagitan ng gawa, ano ang ating hahanapin? (Ang Banal na Espiritu. Ang Banal na Espiritu ang ahensya para bigyan tayo ng katwiran.)

Isa lamang bang pahayag ang pananampalataya? (itinuturo ni Pablo na ang “pananampalataya ay nagpapahayag ng kanyang sarili sa pamamagitan ng pag-ibig.” Ito ay higit pa sa isang pahayag.)

Ang isipang ito ng pagpapahayag ng ating pananampalataya sa pamamagitan ng pag-ibig ay nagdadala sa ating muli sa ating pag-uusap tungkol sa kahulugan ng kalayaan. Kung ikaw ay tunay na malaya, magagawa mo ang lahat, tama ba? Lumaktaw tayo sandali. Basahin ang Galacia 5:19-21. Kung ikaw ay tunay na malaya magagawa mo ang lahat ng ito, tama? (Sinasabi sa atin Ni Pablo na hindi tayo gumawa ng mga bagay na ito at manahin pa rin ang langit. Marahil ay mayroong ibang kahulugan ng kalayaan ni Pablo.)

Pag-aralan ang kuwentong ito. Ipagpalagay na ikaw ay mayroong dalawang taong gulang na anak. Sinabi mo sa iyong anak, “binibigyan kita ng kalayaan. Puwede mong gawin ang lahat mong gusto. Ngunit, kung gusto mo ang patuloy kong pamamatnubay at tulong, ikaw ay mabuhay na kasama ko at sumunod sa aking mga habilin.” Kung ikaw ang dalawang taong gulang na batang ito, alin ang daan ng kalayaan? (Ikaw ay mamamatay kung iyong pipiliin ang gusto mong puntahan. Ang pagiging patay ay nagtatapos sa kalayaan na pumili. Ang tamang paraan lamang para mabuhay ay ang piliin mo ang iyong mga magulang. Binigyan tayo ni Jesus ng pagkakataon para maging malaya mula sa walang hanggang kamatayan. Ngunit ang tunay na kalayaan ay ang lumakad na kasama Niya.)

Ating suriin ito sa ibang pananaw. Anong uri ng kalayaan ang gusto mong maranasan sa langit? Gusto mo bang ang iyong kababayan sa langit ay kakikitan ng “galit, pag-aaway, pagseselos, pagiging masumpungin, Lmakasariling ambisyon, paghihiwalay, pagkakampi-kampi at inggit?” (Kung ang pinagmulan ng paghihirap ng lupa ay mapupunta sa langit, hindi ka masisiyahan sa iyong kalayaan.)

Panghuling kuwento. Isipin mo ang isang kasalanan na sobra mong pinasisihan. “Nasiyahan” ka ba sa kasalanang iyon? (Malinaw, ikaw ay malayang magkasala, ngunit ang kasunod nito ay paghihirap! Kaibigan, maaari nating suriin ang ating mga karanasan para malaman na ang nag-iisang daan para maranasan natin ang kalayaan ng pamimili ay gumawa ng tamang desisyon.)

Kalayaan at Pag-ibig

Basahin ang Galacia 5:13-14. Saan mo ito dating nabasa? (Maaaring magulat ka na narinig mo na ito nang maraming beses! Basahin ang Levitico 19:18 at Mateo 27:37-40.) 

Ang kalayaan ba na ibinigay sa akin ni Jesus ay nangangahulugan na wala akong katungkulan? (Hindi!, Nangangahulugan ito na mayroon akong katungkulan na mahalin ang iba gaya ng pagmamahal ko sa aking sarili at isang katungkulan  para iwasan na bigyang kasiyahan ang aking makasalanang likas.)

Ang salita ba ni Pablo ay angkop sa ating pag-uusap tungkol sa ating iniisip tungkol sa tunay na kalayaan? (Hindi niya sinasabi sa atin ang isang bagay na hindi natin naranasan pa.)

Nagkakasundo ba tayo na kung sasaktan natin ang ibang tao ay sinasaktan natin ang ating katawan?

Basahin ang Galacia 5:15. Ano ang sinasabi nito na dati na nating alam tungkol sa pananakit ng iba dahil sa ating “kalayaan?” (Gaganti sila! Sasaktan ka nila!)

Ang Tagapamagitan sa Kabilang Dako

Ating basahin ang Galacia 5, bumalik tayo at ating basahin ang ang mga talatang hindi natin nabasa. Basahin ang Galacia 5:7. Ito ay kakaibang paraan para ilarawan ang katwiran sa pamamagitan ng pananampalataya: pagsunod sa katotohanan!” totoo kaya ito? (Hindi ito kakaiba. Ang desisyon para maniwala at magtiwala sa Diyos (tulad ng karanasan ni Abraham,) ay parehong desisyon ng isang dalawang taong gulang na bata na sumunod at nagtiwala sa kanyang mga magulang. Ito ay isang desisyon kung saan tayo kakampi.)

Basahin ang Galacia 5:8. Sino ang puwedeng mag-alis ng may-akda ng katwiran sa pamamagitan ng gawa? (Si Jesus.)

Basahin ang Galacia 5:9. Gaano kahirap na kalabanin ang mali? (Ito ay mapaglinlang! Ito ay lihim na pumapasok at hinahawahan ang buong iglesya.)

Basahin ang Galacia 5:10. Puwede ba nating paniwalaan ang salita ni Pablo? Paano siya mapagtitiwalaan, kahit na sa mga sinulat niya?

Kung mayroon tayong isang “bagong” isipan para magising ang iglesya, ano ang ating dapat na gawin?  (Kung ang ating mga isipan ay hindi nakaayon sa Biblia, kung tayo ay nagpapasimula ng gulo sa iglesya, tiyak na pagmumultahin tayo.)

Alam ba natin kung sino ang nagpapasimula ng kaguluhan? (Sa huli, ito si Satanas. Sinasabi sa atin ni Pablo na hindi ito si Jesus. Kaya’t ito ang kaaway ni Jesus (Si Satanas) at ang kanyang mga tagasunod na gumagawa ng ganito sa iglesya.

Laktawan at basahin ang Galacia 5:12. Para mayroon tayong paghahalintularan, basahing muli ang Galacia 5:6. Paano mo pagdudugtungin ang dalwang salitang ito? (Ang isang pangunahing pagkakamali ay kailangan ang mabigat na sagot.)

Basahin ang Galacia 5:11) bakit ang mali tungkol sa pagkakaroon ng katwiran sa pamamagitan ng gawa ay isang pangunahing salita.” (Inaalis nito ang krus. Ang ating Diyos ay ipinangako. Ang isipan tungkol sa isang Diyos na ipinako ay isang “kasalanan.” Sino ang susunod sa isang Diyos na  muling binuhay? Tayo! Nauunawaan ng mga Kristiyano ang buhay, kamatayan, at pagkabuhay na mag-uli ng ating Diyos ang siyang susi para sa ating buhay na walang hanggan. Kung hindi mo ito maintindihan, hindi ka isang Kristiyano.)

Kaibigan, nauunawaan mo ba ang argumento ni Pablo na ang daan ng Diyos tungo sa tunay na kalayaan ay maniwala, magtiwala, at sumunod sa Kanya? Tayo ay iniligtas sa pamamagitan ng biyaya, sa pamamagitan ng pagpili kay Jesus, ngunit hindi lamang ito sa mga pananalita lamang, ito ay pamimili para mabuhay. Ito ay pagpili para mahalin ang Diyos at mahalin ang iba para ang kasalanan, kalungkutan, at paglalaban dahil sa pagiging makasarili ay maiwan. Makatatayo tayo sa liwanag at  masiyahan sa tunay na kalayaan. Mamimili ka ba ngayon?

Sa susunod na Linggo: Mabuhay sa Espiritu .