Mga Alipin Na Naging Tagapagmana

(Galacia 3:26-4:20)
Tagalog
Year: 
2011
Quarter: 
4
Lesson Number: 
8

Panimula: Noong isang linggo, ipinaliwanag ni Pablo na ang kautusan ay tulad lamang sa pagpasok sa isang paaralan. Nang ating talakayin ang ating mga lumipas na pagpasok sa paaralan, ating naalala na hindi tayo tinuruan ng mga mahahalagang liksyon sa paaralan kung paano maging matagumpay sa buhay, tinuruan din nito tayo na hindi tayo ang pinakamarunong na estudyante sa klase. (At ang pinakamagaling na estudyante ang nagturo ng liksyon sa kasunod na mataas na antas sa paaralan!) Ngayong natutuhan na natin ang mga liksyong iyon, pinatunayan ni Pablo na “hindi na tayo nasa ilalim ng pamamahala ng kautusan.” (Galacia 3:25). Ano ang kahulugan ng hindi mapasailalim ng pamamahala? Paano tayo mamuhay? Tayo ngayon ay magpatuloy sa pag-aaral ng aklat ng Galacia at tuklasin kung ano ang sinasabi ng Diyos?

  1. Mga Kabataang Anak na Lalaki at Babae ng Diyos
    1. Tayo ay lumayo ng kaunti. Basahin natin ang Galacia 4:1. Bakit kaya totoo na tulad sa isang alipin ang anak ng isang may-ari ng isang lupain? (Ayon sa batas, ang isang anak ng may-ari ng lupain ay walang karapatan sa pagmamay-ari tulad sa isang alipin. Ngunit ang panahon ang magbabago nito para sa bata. Hindi babaguhin ng panahon ito para sa alipin.)
    2. Basahin ang Galacia 4:2. Nagpapaalala ito sa atin noong isang linggo, na kung saan mayroong mga lingkod na nag-aalaga ng mga anak ng mayamang magulang at dalhin sila sa paaralan. Ating nalaman na ang kautusan ang tagapagturong ito. Sino kaya ang “ama” sa akala mo ayon sa paghahambing ni Pablo? (Ang Diyos Ama.)
      1. Sino ang nagpapasya kung maging matanda na ang bata? (Sinasabi sa atin na ang amang nagdedesisyon. Sa United States, ito ay karaniwang ayon sa batas. Ngunit ang mga magulang ay may kapamahalaan kung ang kanilang mga anak ay tatanggap ng mana ng kanilang mga magulang.)
    3. Basahin ang Galacia 4:3. Kung ang mga tao ay nasa ilalim ng kautusan tulad nga kanilang mga anak. Habang nasa paaralan tayo ay “nasa panimulang prinsipyo ng sanlibutan.” Ano ang mga panimulang prinsipyong? (Ang pinakanangungunang prinsipyo ay kung magkasala tayo ay mamamatay tayo.)
  2. Mga Tumanda nang Anak ng Diyos na Lalaki at Babae
    1. Basahin ang Galacia 4:4-5. Ating suriing masyado ang dalawang talatang ito. Anong panahon ang pinag-uusapan natin dito? At sino ang pagpapasya kung kailan ang takdang panahon? (Ang panahon ay nang dumating si Jesus sa lupa tulad sa isang tao. Makikitang ang Diyos ang nagtakda ng panahon.
      1. Ano ang sinasabi sa atin ng mga talatang ito tungkol sa likas ni Jesus? (Una, na Siya ay Anak ng Diyos. Pangalawa, na Siya ay ipinanganak ng isang babae. Dahil dito’y si Jesus ay isang Diyos at isa ring tao.)
      2. Ano ang layunin ng pagdating ni Jesus? (Para tubusin tayo mula sa kautusan. Para ipagkaloob sa atin ang karapatan ng isang anak, sa halip ng karapatan ng mga bata
    2. Ngayon, bumalik tayo at pag-aralan natin nag mga talatang ating iniwan. Basahin nag Galacia 3:26-29. Ang mga talatang ating binabasa ay tumutugon sa mga “anak.” Itinuturo ba ni Pablo na ito’y para rin sa mga lalaki at babae? (Oo!)
      1. Ngunit bakit kaya tatawagin ito ni Pablo na mga “anak?” ang mga lalaki ay mayroong mas malaking karapatan kaysa mga anak na babae. Ang kanyang idinidiin ay kung ito ay sa pagiging anak ng Diyos, walang pagkakaiba ayon sa kasarian, lahi, at pagiging may kaya o ayon sa politika. Ang lahat ay binibigyan ng buong karapatan ayon sa batas.)
      2. Paano tayo nagiging matandang anak ng Diyos? Paano tayo lumalayo mula sa ilalim ng kautusan at inaangkin ang buong karapatang ito? (Sa pananampalataya at pagbautismo.)
        1. Pansinin ang tahasang ginamit na salita “sa pamamagitan ng pananampalataya kay Jesu Cristo.” Anong uri ng pananampalataya ang inilalarawan? Ano ang tiyak na ating pinaniniwalaan? (Mula ng ilarawan ni Pablo si Jesus bilang Diyos at tao, ito marahil ang pangunahing bahagi ng pananampalataya.
        2. Bakit kaya gagamitin ni Pablo ang mga salitang “binautismuhan kay Cristo?” Paano kaya tayo makakapasok kay Cristo sa pamamagitan ng bautismo? (Basahin ang Roma 6: 3-5.makaktulong ito sa atin para maunawaan kung ano ang likas ng bautismo. Kung paanong nalibing ni Cristo dahil sa kamatayan, ganito rin kung ilulubog tayo sa tubig dahil sa bautismo, tayo ay nagiging bahagi ng pagkabuhay na mag-uli ni Jesus, kaya’t ang kanyang pagtatagumpay sa kasalanan at kamatayan. Sa ganitong paraan tayo ay tumitingin sa darating na pagkabuhay na mag-uli tungo sa buhay na walang hanggan!)
    3. Muli nating basahin nag Galacia 3:29. Ano ang kahulugan ng kamatayan at pagkabuhay na mag-uli (sa pamamagitan ng bautismo) sa kautusan at biyaya? (Na tayo ngayon ay bahagi ng tipan ni Abraham—na manampalataya at mabuhay. Tayo rin ay nagbayad ng parusa ng kasalanan sa pamamagitan ni Jesus. Dahil sa bagay na ito, hindi na tayo nasa ilalim ng pamamahala ng kautusan.)
  3. Ang Espiritu ng Mga Anak ng Diyos na Lalaki at Babae
    1. Ating basahin ng ayon ang Galacia 4:6,7. Ano ang bagong bagay na ating natutuhan sa pagiging mga anak ng Diyos? (Mayroon tayong Espiritu ng Diyos sa ating mga puso.) L
      1. Ano ang isang gawain ng Espiritu ng Diyos sa ating puso? (Para tumawag ng “Abba,” na ang kahuluga’y “Ama.”
        1. Ano ang kahulugan nito? (Nangangahulugan ito na tayo’y mayroong nabagong isipan tungkol sa Diyos. Nadarama natin na mahal natin Siya, at isang relasyon na tulad sa isang karaniwang nagmamahal na ama. Isipin mo ang isang bata na mayroong kahanga-hangang ama, at ito ang relasyon natin sa Diyos.)
    2. Basahin nag Galacia 4:8-9. Magkakaroon ba ng pagkakaiba sa ating buhay kung ating iisipin na nag Diyos ay isa nating nagmamahal at mapagbiyayang Ama? (Lahat ng mga bata ay mayroong panahon na nagrerebelde, ngunit ang mga karaniwang bata na nakikiugnay sa karaniwang mga magulang ay gustong pasayahin nag kanilang mga magulang.)
      1. Isinulat ni Pablo ang tungkol sa mga “hindi buhay na diyos at tungkol sa “mga mahina at kawawang prinsipyo.” Ano ang mga hindi buhay na diyos? (Ang mga hindi buhay na diyos ay yaong mga ginawa ng ating mga kamay. Ano kaya ang dahilan para ang isang matinong tao ay sasambahin nag isang bagay na ginawa ng tao? Ang mga legalista ay ginagawa rin ito—kanilang sinasamba ang kanilang ginawa! Sa pamamagitan ng kanilang sariling lakas kanilang sinusunod ang kautusan (ito marahil ang kanilang iniisip), kaya’t ang kanilang kaligtasan ay ginawa nila.”)
    3. Basahin ang Galacia 4:10-11. Binigyan tayo ni Pablo ng bagay na kanyang sinasabi. Paano kaya na ang pagsamba sa iyong sariling pagsusumikap ay mayroong kaugnayan sa “mga araw at mga buwan at mga panahon at mga taon?” (ang kautusang seremonyal ay mayroong lahat ng uri ng tuntunin tungkol sa mga espesyal na pista, at tungkol sa panahon ng paglilinis. Kung aasa ang mga tao sa pagsunod sa mga panahong gaya nito at araw ng kaligtasan, sila ay bumabalik sa katwiran sa pamamagitan ng mga gawa.)
      1. Ano naman ang tungkol sa Sabbath? Ito ay isang “espesyal na araw!” (Tiyak na nangangahulugan ito na nag pagpunta sa simbahan sa araw ng Sabbath ay hindi makapagliligtas sa iyo—tulad din ng anumang iyong gawin ay hindi makapagliligtas sa iyo. Kung ikaw ay may isipang “Abba” tungkol sa ating Amang nasa langit, hindi mo ba gustong mag-ukol ng Sabbath na kasama Niya? Gusto ko na makita ang aking anak na lalaki sa video camera sa Skype ng aking anak na hindi na namin kasama sa bahay. Hindi ito isang pabigat. Hindi isang gawain. Hindi isang bagay na aking iniisip “Bubuti ako kung gagawin ko ito!”
      2. Ating tiningnan kung paano tayo inilibing na kasama ni Jesus at nabuhay mag-uli kasama Niya. Naalala mo ba kung saan nagpalipas si Jesus ng Sabbath matapos na Siya ay nabuhay na mag-uli? (Sa libingan.)
        1. Bakit kaya?
        2. Kung ikaw ang Diyos Ama, at dumaan ang Iyong Anak sa isang mahigpit na pagpapahirap at abuso, gusto mo bang lumapit sa Kanya kaagad para aliwin ito?
        3. kung ikaw ang Diyos Ama, at ang iyong anak ay nanalo sa paligsahan ng sansinukob, hindi ka ba mag-aapura para iyong batiin siya? (“Oo!” Sinong nagmamahal na magulang ang hindi lalapit? Ang tanging paraan para bigyan ng katwiran ang pagtatagal na ito ay kung paano nagpahinga si Jesus sa araw ng Sabbath matapos ang Kanyang paglikha (Genesis 2:2, kaya’t si Jesus ay nagpahinga ng araw ng Sabbath matapos ng Kanyang pagtatagumpay laban sa kasalanan. Gusto kong ipagdiwang ang dalawang tanging ginawa (Paglikha at Pagtubos)sa Sabbath—at wala itong kaugnayan sa anumang ginawa ng aking mga kamay!)
  4. Ang Nag-uudyok kay Pablo
    1. Basahin ang Galacia 4:12-16. Kailanma’t makarinig ka ng isang taong nagtatanggol sa isang kaisipan, kailangan mong magtanong ng “Ano ang layunin ng taong ito?” Kung ikaw ay kaanib ng iglesya ng Galacia, anong maling motibo ang iyong iisipin tungkol sa sulat ni Pablo? (Kayabangan ng isang opinyon. Galit dahil sa pagbabago ng kanilang isipan—at hindi na siya sang-ayunan. Kayabangan ng “pagmamay-ari” –ito ang mga taong hinikayat ni Pablo.)
      1. Pansinin na sinagot ni Pablo ang mga paratang na ito. Nasaktan ba siya? (Sinabi niya, “hindi ninyo ako sinaktan.”)
      2. Ano naman kaya ang tungkol sa kayabangan sa “pagiging may-ari?” (Sinabi ni Pablo Una akong tumigil sa inyong bayan dahil sa maysakit ako.” Hindi layunin ni Pablo na hikayatin ang grupong ito (hindi tulad ng mga tao sa kasunod na bayan). Parang sinasabi ni Pablo, “Kaya kong hikayatin nag kasunod na bayan, hindi ko inaangkin na “pagmamay-ari” ko kayo.)
      3. Ano ang sinasabi ni Pablo na kanyang pangunahing dahilan para bumalik sila sa biyaya? (Kaligayahan. Gusto niyang ibalik muli ang kanilang kaligayahan.)
    2. Basahin ang Galacia 4:17-20. Ano ang layunin ng mga legalista para subuking baguhin ang pananaw ng mga tiga-Galacia? (Kapangyarihan. Gusto nilang magkaroon pa ng mas maraming tagasunod.)
    3. Kaibigan, sinasabi ni Pablo sa atin na ang paniniwala s a katwiran sa pamamagitan ng pananampalataya ay tulad sa kaligayahan ng isang bata na sa araw ng kanyang kapanganakan ay naging isang matanda na. malaya na siya ngayon sa taong nangangasiwa sa kanya! Mayroon na siya ng kalayaan, mayroon na siyang katayuan sa buhay, at mayroon na siyang karapatan ayon sa batas, ang kalayaang ito ang naglalapit sa mga anak na lalaki at babae sa Kanya. Ito ang dahilan para magustuhan natin Siya. Papasok ka ba ngayon sa kaligayahan ng biyaya?
  5. Sa susunod na sanlinggo: Ang Pakiusap ni Pablo bilang isang Pastor